Hindi ko mapaliwanag, pero, masarap. Masarap sa pakiramdam.
Sa tuwing natitikman ko ay naglalagablab ang aking damdamin. Nag-iinit ang buo
kong katawan at hindi ko mawari kung ano ang dapat kong gawin. Tila binubuhat
ako ng hangin habang ako’y nakapikit na nakikipaghalikan. Parang ako at ang
mahal ko lamang ang natatanging tao sa mundo. Ang aming mga labi ay parang
dalawang pusong pinag-isa habang kami ay naghahalikan.
Masarap ang
kanyang labi. Hindi ko alam kung matamis ba talaga ang kanyang labi o ‘yung
laway ang nalalasahan ko. Basta! Nakaka-adik ang labi niya. Habang tumatagal
ang paghalik ko sa kanya mas lalo kong hinahanap-hanap na madampian ng mga labi
ko ang kanyang mga labi. Hindi lang iyon, kapag hindi ako nakontento ay
sinasamahan ko pa ng dila ang paghalik ko sa kanya. Mas nag-aalab ang aking
pakiramdam kapag ganitong klase na ang aming halikan. Napakalibog talaga ng mga
Pranses sa paglikha ng ganitong klase ng paghalik. Ang sarap, hindi ko
mapigilan.
Para sa
akin, ang nagpapasarap sa aming halikan ay ang sangkap ng pagmamahal. Ito ang
mas nagpapaigting ng mga eksena. Syempre, idamay na natin ang libog ng katawan.
Sa bawat paghalik, hindi mapigilan na magbigay pugay ang aking minamahal na
alaga. Kailangan lang tandaan, minsan mag-ingat baka sa sobrang pagsipsip ay
masaktan ang minamahal. Masakit iyon kapag iyon ay iyong ginawa baka ikaw ay
makagat nang wala sa oras.
Pag-alabin
lang ang sandaling ito, huwag madaliin para hindi mabitin at huwag patagalin para hindi masobrahan.
Namnamin ang sarap ng pag-ibig. Kalimutan ang mga magulang at patayin muna ang
mga ilaw nang sa gayon ay sumiklab pa ang paglalabing-labing.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento