Huwebes, Nobyembre 12, 2015

SEQUENCE 39: STATUS: SINGLE / CR / GABI / INT

Hindi ako nagbago. Hindi mo lang siguro ako kilala.

Hindi ako nagbago. Natuto lang ako. Natuto sa karanasan ko, sa katangahan ko, sa kahinaan ko. Kaya ngayon natuto akong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko, ang pamilya ko, at mga kaibigan ko. 

Nakilala ako na punung-puno ng purong pagmamahal, pagmamahal na walang hinihinging kapalit at hindi lamang para sa sarili. Pero nasira ang aking pagiging inosente ng karanasan ko, dahil sa mga nabigo kong pag-ibig. Ibinibigay ko kung anong meron ako, kung ano ako, at sobra sobra pa. Pero nakakalimutan ko magtira para sa sarili ko. Wala akong naitabi para sa akin. Nabasag ako at nagkapira-piraso. Nadungisan ang puso ko. Alam kong hindi lisensya ang panloloko sa akin para manloko rin ako. Hindi rin ito nagbibigay karapatan sa akin na tumanggi dahil tinanggihan din ako. Marami akong kayang ibigay na pagmamahal. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ito masuklian, na baka hindi ito maibalik. Natatakot akong mabasag muli.

Oo! Mag-isa ako. Matagal na akong single. Walang jowa, walang pamilya kasi nasa ibang bansa. Pero may kaibigan ako. Nabubuhay ako ngayon dahil sa mga kaibigan kong nagmamahal sa akin. Lahat ng mga nakasulat sa banyo ko, kaibigan ko sila. Sila ang tanda na kahit kailan, wala man akong katabi, hindi ako kailanman mag-iisa. Kasi alam ko, isang tawag ko lang, alam kong may handang makasama ako, may pamilya ako.




Unti-unti kong binuo ang sarili ko sa tulong ng mga kaibigan ko. Kung saan-saan pumunta para hanapin ang sarili. Kung sinu-sino ang nakilala para mahanap ang taong muling bubuo sa akin. Hinahanda ko lang ang sarili ko. Para sa susunod na magmamahal ako, hindi na ako masisirang muli kasi buo na ang pagkatao ko, kilala ko na kung sino ako, alam ko na kung ano ako at ano ang gusto ko. Alam ko na maraming nagmamahal sa akin, kaya wala ng tao ang kaya pang makapanakit sa akin, kasi matibay na ako, matatag na pundasyon ko. 

Pero may kinakatakot akong muli. Sa sobrang pagpoprotekta ko na hindi masaktang muli, sa sobrang tigas ko na, baka bato na ang puso ko at hindi na makapagmahal muli.

Miyerkules, Hulyo 1, 2015

SEQUENCE 38: CLASH OF CLANS / INUMAN / GABI / INT

Ito ang aming relasyon. Parang isang laro. Aatake lang kapag wala ang kalaban. Makikipag-agawan sa pag-aari ng iba. Sisikaping masakop ang teritoryo ng kawawa. Hindi magpapahalata. Parang walang ginagawang masama. Susugod nang palihim. Kailangan siya'y maging akin. Tama ba ang papasukin? Wala muna sigurong dapat isipin. Lahat ay gagawin para sa taong iibigin. Pero kailan pa naging tama ang mali? Kailan matatama ang mali? Hanggang kailan ipaglalaban ang pusong inaapi?   

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng inuman. May jowa siya. Madalas silang mag-away. Mukhang hindi magtatagal. Pero walang nakikialam. Hindi ako nakikialam. Tumititig siya sa akin. Pero umiiwas ako ng tingin. Tumatabi siya sa akin. Pero umaalis ako at lumilipat ng ibang puwesto. Hindi mapakali. Paikot-ikot ng upuan sabay nang pag-ikot ng tagay. Isa-isang natutumba ang mga kainuman. Hanggang sa iilan na lang kaming natira. Muli siyang tumabi sa akin. Tulog na kasi ang kanyang jowa. Inabot ang tagay sabay nang pag-abot sa aking kamay. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako nang kaunti. Nagkukuwentuhan sila. Tahimik lang ako. Nagtatagay pa rin siya. Habang naghihintay ng ikot ng tagay, gumapang ang kanyang kamay sa aking mga kamay. Nabihag ako. Hindi ako makatakas. Hindi ko na sinubukang pumiglas. Hinayaan ko na lang. Gusto ko rin naman siya.

Pangalawang beses pa lang naming magkita. Nagkayayaan sa bahay ng inuman. Pumayag ako para makakilala ng mga bagong kaibigan. Sumali ako ng clan para lumawak muli ang aking mundong ginagalawan. Sa hindi inaasahang sitwasyon, dito ko muling natagpuan ang hinahanap na pag-ibig. Naghiwalay sila. Sinubukan nilang ayusin pero hindi nangyari. 

Sinimulan namin ang kwento namin. Muli siyang nagpunta sa bahay. Dalawa na lang kami. Mayroon na kaming usapan. Ang unang humalik, manlilibre ng alak. Nag-usap kami sa kama. Nagtititigan kapag walang mapag-usapan. Nag-aasaran. Naglapit ang aming mga mukha. Nagdikit ang aming mga ilong. Naghihintayan. Magkalapit na ang aming mga labi. Hinihintay na lang kung sino ang mauunang tumuka. Nang hindi na ko makatiis, hinigit ko ang kanyang ulo papalapit sa akin para mauna niya akong halikan. Doon nagsimula ang gabi. Naghalo ang aming laway at pawis hanggang sa makatulog nang magkatabi.

Dumaan ang mga araw. Nag-usap. Naguluhan. Nagsabihan ng "I love you." Nagtawagan ng "Bae." Nagkita. Kumain ng sabay. Nagtabi sa pagtulog. Nagkakilala nang mas malalim. Nag-inuman. Nalaman ng mga kaibigan. Nagtuksuhan. Nag-ibigan kahit hindi pa opisyal ang lahat. Hindi naman kami nagmamadali. Parang tuluy-tuloy na at wala nang katapusan. "Happy?," tanong sa akin. "Happy!" ang mariing sagot ko. 

Nag-inuman muli ang clan sa bahay ng founder. Hindi ako nakasama dahil sa trabaho. Kinabukasan. Sila na ulit at isa na naman akong kabit.

Martes, Enero 20, 2015

SEQUENCE 37: ISTASYON / LRT 2 / UMAGA / INT


Alas sais na ng umaga. Nagmamadali ako. Papasok ako sa trabaho. Nag-tricycle na ako papuntang J.Ruiz Station galing Pinaglabanan. Bumaba ako ng tryke at nagmadaling umakyat sa sakayan ng tren. Narinig ko na ang pagbusina ng tren kaya naman tinakbo ko na ang papaakyat na escalator. Pagdating ko sa itaas, bukas na ang mga pintuan ng tren. Nagmadali ako habang tumutunog ang hudyat ng pagsara ng pintuan ng tren. Sa wakas, umabot ako. Nakapasok ako sa loob ng tren kahit siksikan. Samu't sari ang mga tao pero karamihan ay estudyante. Nakaharap ako sa may pintuan ng tren. Sumara na ang pinto at dahan-dahan ng umandar. Lumingon ako sa likod ko. Isang estudyante na halos singtangkad ko lang ang nakita ko. Matipuno ang batang estudyante. Moreno. Chinito. Matangos ang ilong. Maganda ang katawan. Naamoy ko ang kanyang pabango kahit mainit sa loob ng tren at pawisan ang ibang pasahero. Mabango siya at malinis ang kanyang pananamit. Napasandal ang aking mga kamay sa pintuan ng tren dahil sa bumilis ang takbo nito. Ilang sandali pa'y may naramdaman ako sa aking likuran. Mainit. Matigas. Malaki. Napapikit ako. Bumiyahe pati isip ko. Bigla kong naramdaman ang mga kamay niya sa aking puwetan. Idinikit niya ang kanyang ari. Pinasok niya ang kamay niya sa aking pantalon. Puwersahan niyang ibinaba ng bahagya ang aking pantalon at brief at hinimas ang aking pwet. Tumingin ako sa paligid at may kanya-kanya silang ginagawa. May nagtetext, may nagbabasa, may natutulog. Walang nakakapansin sa amin. Tumingin ako sa kanya. Tama ang unang pagkakalarawan ko sa kanya. Sumenyas na ang mga singkit niyang mata. Binigay ko ang aking permiso. Ipinasok niya ang kanyang kabataan sa akin. Ang sarap. Ramdam ko siya sa aking loob. Binilisan niya ang pagyugyog habang hinahalikan niya ang aking leeg. Hanggang sa may tumunog, "Paparating na sa Legarda Station. Paparating na sa Legarda Station." Bumukas ang pinto. Dumilat ako. Naglabasan ang mga pasaherong estudyante. Ang dami nila. 

Miyerkules, Enero 7, 2015

SEQUENCE 36: PAG-IBIG SA DILIM / DARK ROOM / GABI / INT

Madilim. Kaunting liwanag lamang ang sumisilip sa loob ng silid. Maggagabi na. Magtatago na naman ang araw. Parang ako. Magtatago para makalimot. Bubuo ng sariling mundo kung saan malaya ako. Walang makakakita sa akin. Walang makakakilala sa akin. Maaari kong gawin ano man ang gusto ko. Maghuhubad ako. Ipapakita ko sa buwan ang katotohanan. Tatanggalin ang sapatos kasama pati medyas. Huhubarin ang t-shirt na pang-itaas. Ibababa ang pantalon pati na rin ang suot na brief. Wala akong ititira. Ibabandera ang hubo kong katawan. Walang manghuhusga sa akin. Sa hubog ko, sa itsura ko, wala silang masasabi. Maglalakad ako ng walang pakialam. 

Inikot ko ang buong mansyon. Hindi naman gaanong kalakihan pero maraming kwarto, maraming dibisyon. Umupo ako. Nagpahangin. Nakakapagod din kasi ang lumakad nang lumakad ng wala namang pupuntahan. May TV na nakabukas. Walang tunog pero may palabas. Ito ang nagbibigay liwanag sa isang bahagi ng bahay. Nanuod ako. Ilang saglit pa'y bigla na lang may nagparamdam. Wala namang ibang tao. Unti-unting tumayo ang aking pututoy. Napalunok ako sa aking pinapanuod. Uminit ng bahagya. Pinagpawisan. May narinig akong ingay. Tila mga asong hinihingal. Tumayo ako bigla at tumungo sa kabilang kwarto. Lumakad ako sa dilim. May mga kamay na gumagala. Akala ko'y ahas. Kumakapit sa aking balat. Gumagapang sa aking katawan. Umiwas ako. Pero hinahatak nila ako sa kanilang umpukan. Kumpulan ng mga hayop na hayok sa laman. Pinilit kong umalis. Tinakpan aking ari. Nagmadali pababa ng hagdan. Umupo at huminga ng malalim. Inisip kong umalis na lamang pero biglang may dumating. Nakahubad. Suot lamang ang kanyang sumbrero. Maganda ang kanyang katawan at matambok ang kanyang pwet. Hindi niya ako pinansin at umakyat agad sa itaas. Nagdadatingan na sila. 

Nakikipagsapalaran. Nagbabakasakali. Nakikipag-agawan ng kaunting liwanag. Nakatayo sa ilalim ng pulang ilaw. Umaasa ng tingin. Sumusulyap ng palihim. Libre ang tikim. Namimili. Habang tumatakbo ang oras. Mag-aabang ng makikilala. Magpapasuso ng burat. Lumigid muli sa mansyon at nakita ang isang lalaki. Tinabihan ko siya at tinitigan. Tumingin din siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at bumulong, " Doon tayo sa banyo." Bumaba kami at nagtungo sa banyo. Bukas ang dilaw na ilaw. Mukha siyang Hapon. Gwapo. Semi-kalbo. Maganda ang braso at dibdib. Makinis ang kanyang balat. Halos kasing tangkad ko lang. Sakto sa aking panlasa. Lumuhod ako sa kanyang harapan. Malambot pa ang kanyang ari. Dahan-dahan kong sinubo hanggang sa tumigas sa loob ng aking bibig ang kanyang titi. Masarap. Mabango ang kanyang bulbol. Binilisan ko ang pagsuso. Sinasagad ko ang pagsubo. Tinitigan ko ang mukha niya habang dinidilaan ko ang kanyang bayag. Sarap na sarap siya. Kita ang libog sa kanyang mukha. Tumayo ako. Tinitigan ko siya at kininditan. Bigla niya akong hinalikan. Hindi ko akalain na makikipaghalikan siya sa akin. Inilabas niya ang kanyang dila at ganoon din ako. Naghalo ang tamis ng aming laway. Nilagay ko ang aking mga bisig sa kanyang mga balikat habang kami'y naglalaplapan. Nagkikiskisan ang aming mga katawan. Mas lalong nag-iinit. Dinilaan niya ang aking leeg papunta sa aking tenga. Bumaba muli siya patungo sa aking utong. Sinipsip niya ang aking kaliwang utong. Hawak ko ang kanyang ulo ng aking kaliwang kamay at ang kanang kamay ko ay nasa kanyang pwetan. Muli niya akong tinitigan. Lumuhod siya sa aking harapan at pinatikim sa akin ang init ng kanyang bibig. Hindi siya ganoon kagaling pero sapat na yun para sa akin. Masarap na rin dahil gwapo naman siya. Tumayo siya at ako naman ang sumubo bilang ganti sa kanyang ginawa. "Malapit na ako!," sabi niya. Muli akong nakipaghalikan sa kanya para masulit ang sandaling iyon. Nang biglang nagputukan sa aming katawan ang aming mga tamod. Nagpaalam siya at lumabas na ng banyo. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Nagbuhos ako. Nagsabon. Naghugas. Alas dose na ng hatinggabi, tapos na ang party. Uuwi na siguro ako. Lumabas ako ng banyo. Andun siya. Inabutan niya ako ng kendi. Napangiti ako at nagpasalamat. Pumunta kami sa sala at umupo. Nang bubuksan ko na ang kendi gamit ang ngipin ko. Kinuha niya ang kendi mula sa akin. Binuksan niya ito at inabot sa akin. Tumingin ako sa malayo kung saan di niya makikita ang mukha ko at sabay kinilig ang aking mga labi. Tumingin akong muli sa kanya. "Anong pangalan mo?" tanong ko. Ian ang sagot niya. Nagpakilala rin ako. Nagkwentuhan. "Hay Ian! Ian na naman tayo."