Bata pa lang ako gusto ko na ng Barbie. Gusto kong binibihisan siya, sinusuklayan, at pinaglalaruan. Bagay na bagay sila ni Ken. Maganda si Barbie at gwapo naman si Ken. Parang hindi kumpleto si Barbie kung wala si Ken. Ako rin gusto ko ring magkaroon ng Ken sa buhay ko at syempre, ako naman ang magiging Barbie niya. Gusto kong maging si Barbie. Maglalaro kaming dalawa mula paggising hanggang sa pagtulog. Magbabahay-bahayan kami, ako ang Mommy at siya naman si Daddy. Gagawa kami ng isang masayang pamilya at titira sa magandang bahay. Maglulutu-lutuan, magpaparlor-parloran, magmomodel-modelan, at maghahabulang gahasa. Syempre kulang ang pamilya kung walang anak. Kaya gagawa kami ng baby. Huhubaran namin ang isa't isa. Sabay kaming maliligo. Maghahalikan. Magyayakapan. Pero hanggang doon lang. Paano kami gagawa ng baby kung hanggang halikan at yakapan lang ang gagawin namin? Sapat na ba yun? Paano kung bagay na bagay nga kami, gusto namin ang isa't isa, mahal namin ang isa't isa, pero pagdating sa sex hindi kami naliligayahan?
May tatlong decision making ang tao pag dating sa pag-ibig - ang utak, ang puso, at ang ari. Oo, tumitibok din ang puke at may sariling pag-iisip din ang titi. Magandang senyales kung nalilibugan sayo ang mahal mo, kung tinatayuan siya sa'yo. Matakot ka na kung hindi kasi baka sa ibang puke na wumawagayway ang titi ng mahal mo. Hindi ba ang kadalasang rason ng pagkakaroon ng third party ay sex? Naghahanap ka ng iba kasi hindi ka na masaya. Wala ng kilig, wala ng landi, wala ng kantot. Kaya dapat hindi ka magpapakabog, dapat may mga tinatago kang alas na magpapainit sa gabi ng mahal mo para hindi ka niya iwanan. Paano naman kung sa umpisa pa lang hindi na kayo compatible sa sex, tutuloy niyo pa ba ang pagmamahalan niyo?
Sex is not everthing, pero hindi rin pwedeng balewalain kasi parte 'to ng relasyon. It is something to be worked on, pinag-uusapan kung kailangan. Kung wala kayong sex, para na rin kayong mag-asawang walang balak na magkaanak. Ako gusto ko makahanap ng Ken ko kasi gusto ko may constant companion ako, kasama sa lahat ng gagawin ko, mararanasan, at mangyayari sa buhay ko. Bukod doon, gusto ko rin ng isang sex partner na lang. Hindi papalit-palit. Gusto ko magkaroon ng isang taong ipagdadamot ko sa iba. GUSTO KO AKIN LANG. Pero kung walang titi si Ken, maghanap siya ng ibang Barbie. Huwag ako! Hindi ko kaya! Hindi ako magiging masaya. Kaya ka nga nakikipagsex kasi gusto mong humada, sumubo, chumupa, dumila, kumagat, tumuwad, tumihaya, bumaligtad, kumantot, at lahat lahat na. Gusto kong umikot yung mundo ko. At kung si Ken lang na walang burat at bayag ang lalaki para kay Barbie. P'wes, ayoko ng maging si Barbie! Hindi kasi ako plastik!
Martes, Disyembre 17, 2013
Lunes, Nobyembre 25, 2013
SEQUENCE 29: SELFIE / GABI / INT
Inanunsyo ng Oxford Dictionary na SELFIE ang Word of the Year. Ang selfie ay ang pagkuha ng litrato sa sariling pamamaraan gamit ang anumang kamera. Paraan ito upang maipakita ng isang tao ang kanyang ginagawa, kinakain, pinupuntahan, isinusuot, at nararamdaman. Kalimitang ibinabahagi sa social media para maiupdate ang mga kaibigan at kamag-anak sa kung ano ang nangyayari sa buhay mo. Pero gaano ba kalalim ang naka-capture at nae-expose ng selfie tungkol sa sarili mo?
Pagpapakatotoo ba o pagpapanggap? Ano ba talaga ang gusto mong ipakita sa mundo? Hindi ka na nalalayo sa mga artista. Ginagawa mong showbiz ang buhay mo at ang mga kaibigan mo sa Facebook ang ginagawa mong fans. Kahit hindi mo kakilala, inaadd mo para lang marami kang FRIENDS. Nagkakaroon ka ng confidence at assurance kada may mga magla-like ng pinopost mo. Idinadaan mo sa dami ng Likes ang kasikatan mo. Tatangkilikin ka ba o iisnabin? Pupurihin ka ba o babastusin? Pero sa gitna ng lahat ng ito, sino ka ba talaga? Kilala mo pa ba ang sarili mo?
Napakahalaga ng pagkilala sa sarili. Kung kilala mo na ang sarili mo hindi ka matatakot sa pagbabago, hindi ka maliligaw sa pupuntahan mo, kasi alam mo kung saan ka babalik. Mahalagang alam mo kung saan ka babalik at kung saan pupulutin ang sarili mo lalo na kapag nawala ka. Kailangan mong maging matapang dahil hindi lahat ng tao magugustuhan ka, hindi lahat ng tao sasang-ayon sa sinasabi mo. Kailangang maging matigas ka lalo na sa mga paninira at tsismis na ibabato sa'yo. Kahit ano pang sabihin nila tungkol sa'yo, ang mahalaga alam mo kung ano ang totoo. Ikaw lang ang higit na makakakilala sa sarili mo. Ikaw lang ang kakampi mo. Walang ibang higit na makakapagtanggol sa sarili mo kundi ang sarili mo lang. Kaya kapag nasaktan ka, lumaban ka, huwag kang paapekto, kasi alam mong mabuti kang tao, alam mong may pinag-aralan ka, alam mong maganda ka pa rin, at higit sa lahat, alam mong maraming nagmamahal sa'yo at tumatanggap sa totoong ikaw.
Minsan ginagawa mo ang isang bagay para magustuhan ka ng ibang tao na kahit hindi na ikaw yun, patuloy mo pa ring ginagawa para mapasaya o ma-please sila. Pero napi-please mo rin ba ang sarili mo? Hanggang kailan? Minsan dinedepende mo kung magiging sino ka depende kung sino ang kasama mo. Huwag! Hindi mo kailangang gawin 'yun. Hindi ka nabubuhay para sa kanila. Nabubuhay ka para sa sarili mo at para sa mga taong nagmamahal sa'yo. Minsan hindi mo kailangang makinig sa sasabihin ng ibang tao, kailangan mo lang maniwala sa sarili mo. Walang ibang higit na makakapagpasaya sa sarili mo kundi ang sarili mo lang din. Kasi ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang makakapagpasaya sa'yo at hindi ang ibang tao. Huwag kang umasa sa ibang tao na dapat alam nila ang makakapagpasaya sa'yo. Ikaw ang gagawa ng sarili mong kaligayahan. Kaya dapat kilalanin mo muna ang sarili mo ng husto para makilala ng ibang tao kung sino ka talaga at hindi yung kung sinong gusto nilang maging ikaw. Uulitin ko. Kilala mo nga ba ang sarili mo? Sino ka ba talaga? Hubad na!
Mga etiketa:
Facebook,
JOSH MANUEL,
selfie
Lokasyon:
San Juan, Manila, Philippines
Huwebes, Nobyembre 21, 2013
SEQUENCE 28: I WANT TO WRITE YOU A LOVE LETTER / NIGHT / INT
It has been a while since I wrote a love letter. Love letters are blase, old-fashioned, and a thing of the past. It is not for the new generation where social media is the basis of one's relationship status. But I will still write you this love letter because this is how I want to tell you how much I feel for you. No, I am not yet in love with you but I want to, I'd love to love you, that is, if you'll give me a chance. I know that there might be no way for us to be together but I am still trying my luck, my chances of having you by my side. I still believe in "What Ifs" and I am doing this because of the possibility that my "What Ifs" can turn into a reality. I am not a fan of fairy tales but I believe that happy endings do come true. I'm chasing my "Happily Ever After", hoping that it would be with you. You might find this funny, maybe because of how you perceive me, but this time, this is not a joke. This is serious. I like you and I want you to know that. I know that writing this is not enough for me to show you how much I care for you, but you can give me a lifetime to make you feel what I'm talking about. This love letter is just a reminder, a reminder of my feelings for you. This love letter is an affirmation, an affirmation of me wanting you. This love letter is an experience, an experience of my once in a lifetime with you. This love letter is a documentation, a documentation of my love for you. I won't get tired of writing you a love letter. I want to write you a love letter even everyday.
Mga etiketa:
JOSH MANUEL,
love,
love letter
Lokasyon:
San Juan, Manila, Philippines
Miyerkules, Nobyembre 13, 2013
SEQUENCE 27: DEAR CRUSH / CALL CENTER / GABI / INT
Dear Crush,
Araw-araw hinihintay kong sumapit ang gabi. Hindi ang buwan at mga bituin ang gusto kong makita. Hindi ang trabaho ko ang gusto kong asikasuhin. Hindi ang monitor ang gusto kong titigan. Hindi ang mga Amerikano ang gusto kong makausap. Hindi rin ang mouse ang gusto kong hawakan. Ang gusto ko lang, masulyapan ka at kung mabibigyan ng pagkakataon, sana makausap din kahit sandali, kahit hindi tungkol sa ating dalawa, kahit tungkol sa kahit ano lang, kahit pa tungkol sa walang kwentang bagay. Ang dami kong hinihiling o hinahangad. Pero hindi ko naman hinihiling na maging tayo... agad. Ang gusto ko lang makilala ka. Pero natatakot ako. Una, natatakot ako na mas makilala ka dahil baka mas lumalim ang pagtingin ko sa'yo. Ang pangalawang ikinatatakot ko, baka may ugali kang hindi ko magustuhan at mawala ang paghanga ko sa'yo. Ang huli, natatakot ako na baka malaman mo na may crush ako sa'yo at iwasan mo na 'ko.
Marami akong sinasana. Importante sa akin na makita ka, kahit saglit lang, hindi naman ako demanding. Kung ano lang ang kaya mong ibigay sa akin, yun lang ang tatanggapin ko at hindi na maghahangad ng labis. Minsan nagdarasal ako na sana makasabay kita sa elevator tapos sana maraming floors ang hintuan para mas matagal kitang manakawan ng tingin sa repleksyon ng pintuan ng elevator. Sana makasabay rin kitang kumain, kahit hindi tayo pareho ng lamesa. Basta medyo magkatapat tayo ng puwesto, okay na sa'kin. Makita lang kitang kumakain, nabubusog na 'ko. Sana tawagin mo 'ko sa palayaw ko para lang bumati o kahit magtanong ka pa o magpatulong sa trabaho natin, walang problema sa akin. Malaman ko lang na kilala mo pala ako ay masaya na ako. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na kaopisina kita. Mapaparesign siguro ako ng wala sa oras kung hindi kita nakilala. Hindi mo lang alam kung gaano ako kinikilig tuwing dumadaan ka. Shet! Shet talaga! Pati mga kaibigan ko niaasar ako sa'yo. Sana forever na 'to. Sana di matapos, sana di mawala. Sana ay makasabay kitang umuwi kapag mataas na ang sikat ng araw. Magtatabi tayo sa dyip, mag-aabutan ng pamasahe, at magkikiskisan ng mga siko at tuhod habang natutulog ako kunwari. Damdamhin ko ang kinis ng iyong balat at ang amoy ng iyong pabango. Tapos kakalabitin mo 'ko para sabihing nasa Cubao na pala tayo. Bababa ako at bababa ka, magpapaalamanan para sabihing, "Bukas ulit!"
Araw-araw hinihintay kong sumapit ang gabi. Hindi ang buwan at mga bituin ang gusto kong makita. Hindi ang trabaho ko ang gusto kong asikasuhin. Hindi ang monitor ang gusto kong titigan. Hindi ang mga Amerikano ang gusto kong makausap. Hindi rin ang mouse ang gusto kong hawakan. Ang gusto ko lang, masulyapan ka at kung mabibigyan ng pagkakataon, sana makausap din kahit sandali, kahit hindi tungkol sa ating dalawa, kahit tungkol sa kahit ano lang, kahit pa tungkol sa walang kwentang bagay. Ang dami kong hinihiling o hinahangad. Pero hindi ko naman hinihiling na maging tayo... agad. Ang gusto ko lang makilala ka. Pero natatakot ako. Una, natatakot ako na mas makilala ka dahil baka mas lumalim ang pagtingin ko sa'yo. Ang pangalawang ikinatatakot ko, baka may ugali kang hindi ko magustuhan at mawala ang paghanga ko sa'yo. Ang huli, natatakot ako na baka malaman mo na may crush ako sa'yo at iwasan mo na 'ko.
Marami akong sinasana. Importante sa akin na makita ka, kahit saglit lang, hindi naman ako demanding. Kung ano lang ang kaya mong ibigay sa akin, yun lang ang tatanggapin ko at hindi na maghahangad ng labis. Minsan nagdarasal ako na sana makasabay kita sa elevator tapos sana maraming floors ang hintuan para mas matagal kitang manakawan ng tingin sa repleksyon ng pintuan ng elevator. Sana makasabay rin kitang kumain, kahit hindi tayo pareho ng lamesa. Basta medyo magkatapat tayo ng puwesto, okay na sa'kin. Makita lang kitang kumakain, nabubusog na 'ko. Sana tawagin mo 'ko sa palayaw ko para lang bumati o kahit magtanong ka pa o magpatulong sa trabaho natin, walang problema sa akin. Malaman ko lang na kilala mo pala ako ay masaya na ako. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na kaopisina kita. Mapaparesign siguro ako ng wala sa oras kung hindi kita nakilala. Hindi mo lang alam kung gaano ako kinikilig tuwing dumadaan ka. Shet! Shet talaga! Pati mga kaibigan ko niaasar ako sa'yo. Sana forever na 'to. Sana di matapos, sana di mawala. Sana ay makasabay kitang umuwi kapag mataas na ang sikat ng araw. Magtatabi tayo sa dyip, mag-aabutan ng pamasahe, at magkikiskisan ng mga siko at tuhod habang natutulog ako kunwari. Damdamhin ko ang kinis ng iyong balat at ang amoy ng iyong pabango. Tapos kakalabitin mo 'ko para sabihing nasa Cubao na pala tayo. Bababa ako at bababa ka, magpapaalamanan para sabihing, "Bukas ulit!"
JOSH
Mga etiketa:
Dear Crush - call center - Josh Manuel
Lokasyon:
San Juan City, Philippines
Lunes, Hunyo 17, 2013
SEQUENCE 26: ARAW-ARAW / KAMA / UMAGA / INT
Araw-araw gumigising ako ng maaga.
Araw-araw, pagkagising ko, maliligo ako, magbibihis, papasok sa trabaho.
Araw-araw, gigising ako, gan'un uli ang gagawin ko.
Araw-araw bumabangon ako ng mag-isa.
Araw-araw paulit-ulit na lang ang ginagawa ko.
Araw-araw rin, umaasa ako na sana sa paggising ko bukas, may bagong mangyayari sa buhay ko.
Araw-araw pareho pa rin ang nangyayari.
Araw-araw, iisa ang dinarasal ko.
Araw-araw nangangarap ako na sa pagmulat ko ay mayroon na 'kong katabi.
Araw-araw naghihintay ako.
Araw-araw hinihintay kita.
Araw-araw rin, nabibigo ako.
Araw-araw nakakapagod.
Araw-araw nakakasawa.
Araw-araw namamatay ako.
Araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw...
Kailan matatapos ang paulit-ulit na araw-araw?
Araw-araw, pagkagising ko, maliligo ako, magbibihis, papasok sa trabaho.
Araw-araw, gigising ako, gan'un uli ang gagawin ko.
Araw-araw bumabangon ako ng mag-isa.
Araw-araw paulit-ulit na lang ang ginagawa ko.
Araw-araw rin, umaasa ako na sana sa paggising ko bukas, may bagong mangyayari sa buhay ko.
Araw-araw pareho pa rin ang nangyayari.
Araw-araw, iisa ang dinarasal ko.
Araw-araw nangangarap ako na sa pagmulat ko ay mayroon na 'kong katabi.
Araw-araw naghihintay ako.
Araw-araw hinihintay kita.
Araw-araw rin, nabibigo ako.
Araw-araw nakakapagod.
Araw-araw nakakasawa.
Araw-araw namamatay ako.
Araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw...
Kailan matatapos ang paulit-ulit na araw-araw?
Mga etiketa:
Araw-araw - Josh Manuel
Lokasyon:
San Juan City, Philippines
Huwebes, Abril 11, 2013
SEQUENCE 25: WALANG KATAPUSAN / SINEHAN / GABI / INT
Bawat araw, hinihintay kong dumating ang isang Miggy Montenegro sa buhay ko. Pero hindi ko alam kung kaya kong maging si Laida Magtalas. Naging negatibo na kasi ang tingin ko sa pag-ibig. Lagi kong naiisip na sa hiwalayan din mauuwi ang lahat at mas mabuti nang huwag ituloy ang relasyon kung mukha namang hindi magtatagal. Pero umaasa pa rin ako na makakatagpo ako ng happy ending. Pero paano ako magkakaroon ng happy ending kung hindi pa man din nasisimulan. Paano ko sisimulan kung wala naman akong nakikilala? Hindi katulad ni Laida. Si Laida naman talaga ang dumating sa buhay ni Miggy. Pinuntahan niya si Miggy para magkakilala sila. Sinadya ni Laida ang lahat. Hindi naman siya naghintay na dumating si Miggy sa buhay niya. Iniisip ko tuloy kung dapat pa rin ba akong maghintay. Pero wala rin naman akong pupuntahan. Kung ganun, wala akong choice kung hindi ang maghintay o ang maghanap. Pero kahit mahirap, pinipili ko pa ring magmahal. Sabi nga nila, "Love is a choice." Pinipili ko rin ang taong gusto kong mahalin. Hindi naman ito madali. Wala rin naman atang pag-ibig na madali. Hindi madaling pumili lalo na kung may pamantayang sinusunod. Hindi madaling pumili lalo na kung wala namang pagpipilian. Pero mahirap din namang magmahal ng taong hindi ko gusto. Kahit pareho kami ng intensyon, importante pa rin para sa akin na bagay kami, nagkakasundo kami. Gusto ko sanang maramdaman 'yung kilig na mayroon sila Miggy at Laida. Nakakainggit ang mga tinginan nila at pati na ang mga patago nilang pagkakilig. Gusto kong maranasan 'yun. Gusto kong kiligin. Nangangarap pa rin naman ako. Umaasa. Pero mahirap umasa at mahirap din ang magpaasa. Laging may nasasaktan sa paghahangad ng pag-ibig. Kung hindi ako ang masasaktan, ang mga taong tinatanggihan ko ang masasaktan. Pero, syempre, hindi ko naman sila gustong saktan. Hindi ko rin naman gustong ipilit ang sarili nila sa akin o ipilit ang sarili ko kaninuman. Alam naman siguro natin ang gusto natin, sa ayaw natin. Alam ko ang gusto ko at malalaman ko 'yun kapag nakita ko, narinig ko, at naramdaman ko. Masuwerte nga si Laida kasi isang lalaki lang ang una't huling pag-ibig niya. Sana ako rin pero hindi eh. Malas ata ako sa pag-ibig. Iniisip ko nga na baka hindi ako pangrelasyon. Pero nasasayangan din ako sa pag-ibig na alam kong kaya kong ibigay. Alam ko rin na kaya kong maging mabuting asawa. Nagawa ko na 'yun pero hindi nagtagal. Totoo nga 'yung kasabihan na para lang nagpapalit ng damit sa dami na ng lalaking nakilala ko. Pero pinipili ko rin naman 'yung damit na isusuot ko at alam ko rin kung anong damit ang gusto ko. Gusto ko maging the best at gusto ko rin ng the best para sa akin. Pero minsan, sa pagnanais kong maging magaling, nakakalimutan kong maging mabuti. Pero ganun siguro talaga para maging number 1. Kailangang maging wiser, braver, bolder, and fiercer dahil kung hindi, ako ang talo. Lalo na ngayon na malingat lang sandali o mapakurap lang, may ahas agad na aaligid. Kaya nga importante pa ring pangalagaan ang tiwala sa atin. Trust is indeed a big word. Malaking kawalan din 'to kapag nasira. Parang wala ng katapusan ito. Pero ganun nga siguro talaga, gayunpaman, naniniwala pa rin ako na balang araw magiging masaya uli ako. Wala ngang instant happy ending at wala pa rin namang dapat i-end kasi maaga pa naman, darating din ang Bebe Ko.
Mga etiketa:
It Takes A Man and A Woman
Lokasyon:
San Juan City, Philippines
Biyernes, Marso 29, 2013
SEQUENCE 24: TAKBO / KAMPO / GABI / EXT
Alas siyete ng gabi, nagkita kaming muli ng kaibigan ko sa Camp Aguinaldo. Nagpalit muna ako ng damit bago kami tumakbo. Magjojogging kami. Ngayon na lang kami uli tatakbo ni Krystel, isang kaibigan ko simula kolehiyo. Hindi na kami makapaghintay na muling magkakwentuhan habang lumilibot sa paligid ng kampo. Agad kong nilapag ang aking bag sa kinauupuan ni Krystel at nakilagay din siya ng kanyang gamit. Nang walang pag-aalinlangan, dali-dali kaming nagsimula sa aming balak. Sinimulan namin ang aming kwentuhan sa paglalakad. Mabigat ang mga yabag ng kanyang mga hakbang na mukhang kasingbigat din ng kalooban ng kaibigan ko. Hindi niya kasi malaman kung ano ang gagawin niya sa kanyang buhay. Habang binubuhos niya ang lahat ng kanyang sama ng loob sa pagtakbo, nakikinig lang ako pero iba ang tumatakbo sa aking isipan. Iniisip ko ang pagkakaiba at pagkakapareho namin. Walang trabaho si Krystel sa kasalukuyan kaya naisip niyang kumuha ng Sertipiko sa Edukasyon para makapagturo sa mga bata. Naiinggit ako sa intensyon niya, kasi ako, na mayroong trabaho, hindi pa makatakas sa trabahong hindi ko naman gaanong gusto at hindi rin makapagplano kasi nakatali pa ang mga paa ko kung nasaan man ako. Naiinip na ako. Tila walang kaunlaran sa ginagawa ko sa buhay ko ngayon. Pero kailangan kong gawin, kasi ito ang bumubuhay sa akin, ito ang nagbibigay ng mga pangangailangan at luho ko. Nahihirapan mang tumakbo ang isip at puso ko, pilit pa rin nitong nilalabanan at ginagapang ang bawat araw at gabi para lang lumipas na ang panahon ng pagtitiis ko. Uusad din ang oras. Alam ko, balang araw, mararating ko ang lugar na inaasahan ko. Doon malaya akong makakatakbo kung saan-saan, may damit man o wala. Doon magagawa ko ang gusto ko nang hindi kailangang pilitin ang sarili ko. Doon magiging kusa ang lahat. Tila walang kapaguran. 'Yung tipong ayaw mo ng magpaawat sa ginagawa mo dahil ayaw mong mawala sa iyo ang sandaling nararanasan mo. Oo, alam ko, balang araw, magbabago rin ang ikot mundo. Nalibot namin ni Krystel ang kampo, wala na ang aking bag. Tinakbo na ng kung sino.
Mga etiketa:
Jogging | Takbo | Josh Manuel
Lokasyon:
San Juan City, Philippines
Biyernes, Marso 22, 2013
SEQUENCE 23: MAG-ISA / KALSADA / GABI / EXT
Mahigit dalawang taon na akong naglalakad mag-isa. May mga nakakasabay ako, pero hindi ko kakilala. May tumatabi sandali, pero umaalis din agad. Walang nagtatagal, walang natitira, kundi ang sarili ko lang. Sanay na ako. Sinanay na ako ng pagkakataon na harapin ang bawat umaga at gabi ng walang kasama. Wala akong ibang aatupagin at iisipin kung hindi ang sarili ko lang. Ayoko man masanay sa ganitong klaseng buhay pero ito ang meron ako. Nais ko sanang baguhin ang nakasanayan na. Ilang beses kong tinangka ang lumihis ng daan, nagbabakasakaling baka doon, matagpuan ko na siya. Sabi nga nila, hindi ito hinahanap, kusa itong dumarating. Pero paano kung hindi mo gusto ang dumating? Ipipilit mo pa ba? O baka naman, sa sobrang tagal niyang dumating, baka pwedeng ako na ang sumalubong sa kanya. Naiinip na ako, kakahintay, kakaabang. Gusto ko ng may mangyari. Gusto ko ng mabago ang klase ng buhay meron ako. Gusto kong sumaya muli. Handa na akong masaktan ulit. Gusto ko na uling umiyak dahil niloko niya ako. Pero, wala pa rin talaga. At saka, parang hindi pa man nagsisimula, parang tinatapos ko na agad. Hindi ko ikakaila na umaasa pa rin naman ako na may magtitiyagang samahan ako mula sa paggising hanggang sa pagtulog ko. Pero, hindi ko rin matanggal sa isip ko na baka panandalian lang ang lahat. Isang araw, gigising ako na wala na ulit akong katabi. At isang gabi, matutulog ako ng wala na akong kayakap. Ayoko sanang isipin na sa hiwalayan din naman mauuwi ang lahat. Pero may mga bagay na hindi maiiwasan at hindi mawawari hangga't nangyari na ang hindi inaasahan. Napakawalang kasiguraduhan ng landas na tinatahak ko. Hindi ko alam kung saan ako patutungo. Pero nangangarap pa rin ako na balang araw may makatabi ako sa aking pag-iisa, sa aking paglalakbay.
Mga etiketa:
Journey | Alone | Relationship - Josh Manuel
Lokasyon:
San Juan City, Philippines
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)