Lunes, Hunyo 17, 2013

SEQUENCE 26: ARAW-ARAW / KAMA / UMAGA / INT

Araw-araw gumigising ako ng maaga.

Araw-araw, pagkagising ko, maliligo ako, magbibihis, papasok sa trabaho.

Araw-araw, gigising ako, gan'un uli ang gagawin ko.

Araw-araw bumabangon ako ng mag-isa.

Araw-araw paulit-ulit na lang ang ginagawa ko.

Araw-araw rin, umaasa ako na sana sa paggising ko bukas, may bagong mangyayari sa buhay ko.

Araw-araw pareho pa rin ang nangyayari.

Araw-araw, iisa ang dinarasal ko.

Araw-araw nangangarap ako na sa pagmulat ko ay mayroon na 'kong katabi.

Araw-araw naghihintay ako.

Araw-araw hinihintay kita.

Araw-araw rin, nabibigo ako. 

Araw-araw nakakapagod.

Araw-araw nakakasawa.

Araw-araw namamatay ako.

Araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw, araw-araw...

Kailan matatapos ang paulit-ulit na araw-araw?

Josh Manuel - San Juan City, Manila - Walang Hanggang Paglalakad



1 komento:

  1. Siguro panahon na para baliktarin ang lahat, gawing positibo ang negatibo. Magpasalamat sa araw-araw na pagkagising muli. Ibig sabihin, isang araw na mas napalapit ka na sa tadhanang kayo'y magkikita na.

    TumugonBurahin