Martes, Marso 13, 2012

SEQUENCE 10 (BED SCENE): KAMA / GABI / INT

Umuulan na naman, nararamdaman ko na naman ang lamig ng pag-iisa. Naaalala ang yakap na minsan ay nagpainit sa akin noong tag-ulan. Pero iba na ang kanyang yakap ngayon, hindi na ako, at marahil, hindi na muling magiging ako. Ayoko na! Hindi na ko papayag na magpayakap pang muli. Kahit man lang maisip ay 'di ko na nais pang balikan ang yakap na iyon. Ang kanyang yakap na nagdulot ng pasa at sugat sa aking nananahimik at nagpapakatangang puso. Sa mahigpit na yakap na parang wala ng kawala. Tiniis ko pati ang kanyang mga halik, ang kanyang mga kagat sa aking labi, ang kanyang pagsipsip sa aking dila na sa simula lamang nakakapanabik.

Hindi ako makahinga, nalulunod ako sa kanyang laway. Buong mukha ko'y basang-basa na, hindi ng pawis, kundi ng kanyang laway. Lahat ng linalaway at binubula niya, buong puso kong nilulunok dahil sa pagmamahal sa kanya. Hindi na 'ko nagsalita, hindi na rin umangal. Tinanggap ko ang lahat. Sa tuwing sasagot at tataliwas kasi ako sa kanyang mga sinasabi ay gagantihan niya ito. Roromansahin niya ako sa tuwing kami'y magtatalik. Ang kamay niya sa aking pisngi, dahan-dahang humahaplos, at saka unti-unting ididiin sa aking mukha ang kanyang mga kuko, sabay hahablutin ng kanyang isa pang kamay ang aking buhok na para bang hinuhugot ito sa aking anit. Pagtatangkaan akong marami siyang pwedeng ipalit sa akin.

Hahatakin ako, igagapos na para bang hayop sa kanyang sabsaban. Itinuloy niya na ang kanyang pangroromansa, sinimulan sa pangil sa aking leeg, palad sa aking panga, siko sa aking dibdib, ngipin sa aking utong, kamao sa aking tagiliran, tuhod sa aking tiyan, paa sa aking ulo, hanggang kuko sa aking singit. Hindi pa siya nakontento. Nais pa niyang ako ang lumuhod at magmakaawa. Nagmakaawa naman ako dahil 'yon ang kahilingan niya, lumuhod sa kanyang harapan. Isinubo ang kanyang burat nang sagad na sagad. Kahit naduduwal na ako, sige pa rin ang pag-tsupa ko sa kanya. Tigas na tigas ang kanyang ari. Sarap na sarap siya sa aking ginagawa nang hindi man lang naiisip ang aking nararamdaman. Ang mahalaga para sa kanya, siya ang nasa itaas at ako ang nasa ibaba, sumusunod sa lahat ng kagustuhan niya.

Malapit na siyang labasan. Nais niyang upuan ko ang kanyang trono. Kahit masakit, pikit-mata kong ipinasok ang aking sarili sa kanya para lang maranasan ang maupo sa kanyang posisyon. Sa pagkakataong iyon, kahit sa isang saglit na iyon, nabaligtad ang aming mundo. Sinamantala ko ang kanyang kahinaan. Ako na ang nasa ibabaw, ako na ang kontrolado sa aming sitwasyon. Sa nais kong maipantay ang aking sarili sa kanya, nilabanan ko ang sakit. Bahala na kung anong mangyari. Mangyayari na lang ang dapat mangyari. Hanggang sa nangyari na ang inaasahan. Habang wala siyang magawa at walang kalaban-laban. Nagbate ako. Isinalsal ko ang lahat ng aking galit sa kanyang mukha hanggang sa lumabas lahat ang nagtatagong init sa aking damdamin.

Tapos na! Pero masakit pa rin.


5 komento:

  1. there is something upsetting on this post, i love this.

    nice work, John. :)

    TumugonBurahin
  2. Naupset ka sa istorya o sa pagsusulat ko hehehe? Salamat po LJ sa pagtangkilik sa aking mga binubula haha

    TumugonBurahin
  3. this is so nice..ay hindi pla!!this is great!!ramdam na ramdam ko talga yung story kahit binabasa lng!!job well done!!more!!! more!!!!hehehe

    TumugonBurahin
  4. Helu!

    Just followed your blog! Ansakit sa mata ang background color. Hehe.

    Buti na lang maganda basahin ang blog mo! Keep writing!

    Ingat!

    TumugonBurahin
  5. napakaromantiko mo

    visit my blog: malikhaingmanunulat.blogspot.com

    TumugonBurahin