Gabi na naman.
Nagsipasukan na muli ang mga ibon sa kanilang kulungan.
Gutom na gutom.
Humahanap ng kapwa ibong matutuka.
Nagbabakasali.
Nag-aabang.
Naghihintay.
Nag-iikot-ikot.
Tila nakikipaghabulan.
Kahit walang pinatutunguhan.
Akyat-baba sa paglipad patungo sa 'di malaman.
Walang mapuntahan.
Walang mapaglagian
Walang mapaglaruan.
Nabubuhay sa diliman.
Naghahangad na makatagpo ng kung sinuman.
Kahit walang pangalan.
Kahit walang pagkakakilanlan.
Kahit ano pagt'yat'yagaan.
Kahit tanging anino lang ang nasisilayan.
Wala ng pakialamanan
Wala ng pamantayan.
Kahit wala ng mukhang mapagmamasdan.
Ayos lang.
Patay-gutom na sa laman.
Kahit ano titikman.
Kahit anong parte hahawakan.
Makikipag-agawan.
Kahit sa anong paraan.
Kahit may kahati, binabalewala na lang.
Mapagbigyan lang ang kagustuhan.
At takasan ang init ng nararamdaman.
Kahit laway didilaan.
Matanggal lang ang uhaw na nararanasan.
Pati pawis hindi tatantanan.
Hanggang sa magkasawaan.
Biglang iiwanan.
Gan'un lang.
Wala man lang paalamanan.
hmmm one night stand .. tma ba ako dis poem para sa mga callboys at gro? hula lang
TumugonBurahinhindi naman necesaarily para sa mga callboys at gro. Very general yung poem. Kahit sino o ano pwede. Pero malapit ka naman sa gustong sabihin ng tula. Salamat sa pagbasa. :)
BurahinAng libog mo talaga.
TumugonBurahinHahaha anong malibog sa ibon na nauuhaw? hehe
Burahingreat
TumugonBurahinhahaha... Ayaw kong magcomment! lols....
TumugonBurahinGood piece, Josh