Sabado, Hunyo 9, 2012

SEQUENCE 15: PLANET ROMEO / GABI / INT



Hindi na bago sa akin ang rejection. Parang kanin na nga lang sa akin ito, staple food kumbaga. Sa litrato pa lang nahuhusgahan na agad ang buong pagkatao ko. Hindi pa man ako nakikita sa personal, tinatanggihan na ko, hindi nirereplyan, hindi man lang nabibigyan ng pagkakataong mapakita kung sino ako. Minsan tuloy, pakiramdam ko, ang panget ko. Iniisip ko na lang, kapag ganun, kung panget man ako, isa naman siguro ako sa may mga itsura sa mga panget. O kaya naman, hindi lang talaga siguro ako ang tipo nila.


Kaya minsan, natutuwa ako kapag may nagmemessage sa akin na may itsura, malakas ang dating o kahit maganda na lang 'yung katawan. Feeling ko, ka-lebel ko sila ng ganda o kaya naman mabait lang talaga sila. Pwede rin namang natuwa lang sila sa nabasa nila sa profile ko. Minsan, pakiramdam ko baka "This is it!" , baka siya na ang hinihintay o hinahanap ko, kahit sex lang papatusin ko na. Pero madalas, hindi happy ang ending. Napadaan lang pala siya sa inbox ko, hindi man lang nagtagal at tumambay. 


Minsan naman, iisipin mo sana picture na lang sila, hindi nakakapagsalita. Para hindi mo na malaman na bobo sila o para hindi mo na maamoy na mabaho pala 'yung hininga nila. Sana picture na lang sila, sa personal kasi hindi naphophotoshop ang madungis na kutis at galis sa katawan. Sana hindi na lang din kayo nagkachat o nagkatext para 'di mo na nalaman na mahina sila sa spelling at grammar. Sana hindi mo na lang din sila nakitang kumilos, para hindi na nahiya ang bulak sa pagkalambot nila. Sana hindi mo na lang din nalaman na discreet sila, para hindi ka na nag-expect. Sana hindi na lang kayo nagsex para hindi mo na nalaman na jutay lang pala. Mahirap talaga makita ang nakatago. 


Mahirap na rin kasi ngayon makahanap ng tao na pareho kayo ng interes. Nakakalungkot na ang mga tao rin ngayon, mga mali na agad ang nakikita kaya ang madalas na ending, rejection. Minsan sa dami ng options mo, ang ending, wala palang matitira sa options mo kung kaya naman mangongolekta ka na naman ng bagong prospect. Paulit-ulit na lang ito tila walang katapusan hanggang sa makita mo na ang hinahanap mo. Pero kailan mo makikita ang hinahanap mo? Makikita mo pa kaya? O baka naman wala kang hinahanap? Kung wala kang hinahanap, anong ginagawa mo? Maghahanap ka pa ba kung wala ka namang mahanap? Bakit kasi naghananap kung wala ka namang mahahanap? Hanggang kailangan ka aasa na makakahanap ng taong hinahanap mo? Walang katapusang tanong, wala ring maisagot. Pero, nagpapatuloy ka pa rin, umaasa, naghihintay, naghahanap, nagbabakasakali. "Malay mo!" 

6 (na) komento:

  1. tama. malay mo. kaya hindi dapat mawalang ng pag-asa. anyway, para makahanap ng taong kapareho ng interes, e di immerse yourself with the things you like, "malay mo" dun mo makilala yung hinanap mo :D

    TumugonBurahin
  2. hehehe I'm speaking in behalf of PR. I know maraming makakarelate. Kailangan mabago ang sistema. Pataasan na lang kasi lagi ng ihi kaya walang nangyayare. Salamat sa pagbasa Justin! ;)

    TumugonBurahin
  3. Is DL any better =)? Just wondering.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Para sakin, pareho lang din. Mapapagod ka lang kakapacute sa webcam hehehe

      Burahin
  4. taga san juan ka?

    anyway, sorry to burst your bubble pero hindi mo na mababago ang sistema. ganyan talaga ang bentahan ng laman ang magagawa mo na lang eh yung magiging tingin mo sa sarili mo :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Alam ko naman yun pero I believe na may ebolusyon ang lahat ng bagay. Kailangan lang maghintay at magtiwala na balang araw magsasawa rin sila sa ginagawa nila. hehehe Pati ako! hahaha Sa blog entry na ito, gusto ko lang bigyan ang makakabasa ng "Hope to All", na hindi sila nag-iisa. Somehow, makakaapekto rin sa kanila ang saloobin ko at mabibigyan sila ng pag-asa. wahahaha ;)

      taga-sanjuan ako

      Burahin