Nalaman ni Kris Lambert na walang forever. Nagbreak sila ng jowa niyang si Drew. Naapektuhan kaming lahat. Para raw siyang namatay ng mga panahong iyon. Halos araw-araw umiiyak siya. Halos araw- araw niyayaya niya akong uminom. Sinubukan ko bilang kaibigan niya na pagaangin ang loob niya at pinayuhan ko siyang magmahal uli kasi marami siyang mabibigay na love. Ayaw na raw niya. Natatakot ng masaktan. Pagkatapos ng isang buwan, may bago na siyang lovelife.
9 VOLLEYBALL AGAIN
High School pa ata nung huli kong laro ng liga ng volleyball. Nakakamiss. Buti na lang pinilit ako ng friends ko na sina JK at Dred na maglaro at sumali sa grupong Android Spikers. Nagsimula lamang siya sa FB groups at nagtuluy-tuloy na. Nakakatuwa naman kasi hindi lang ako uli nakapaglaro ng volleyball, may mga bago rin akong kaibigang nakilala. Nakakasawa na 'yung kulay ng bahay namin. Maraming kulay at madilim. Sinimplihan ko na lang at ginawang bright yellow para lumiwanag. (Nakakatawa yung sinimplihan ko na lang pero bright yellow) Nilagyan ko na lang ng lining na itim para ma-emphasize ang bawat sulok ng bahay. Na-inspire lang din ako ng Tyra Suite ng America's Next Top Model. At least ngayon, mukha ng malinis ang loob ng bahay namin.
7 BAGUIO OUTREACH WITH NCCA
Ngayon taon, sa National Commission for Culture and the Arts na ako nagtatrabaho. Sumama ako sa Baguio Outreach para sa mga Senior Citizens. Matagal na rin kasing hindi ako nakakapunta ng Baguio kaya nagvolunteer ako. Nag-enjoy naman ako. Bilang bago ako sa NCCA, nadagdagan ako ng mga bagong kakilala at kaibigan. For sure, mauulit ito.
6 ISANG DEKADA NA, _____ KA PA BA? SJA BATCH 2004 REUNION
After 10 years, muli kaming nagkita-kita at nagsama-sama sa isang pagtitipon. Nakakatuwang balikan at sariwain ang high school life. Naging successful ang event at isa ako sa mga nag-organisa. Ako rin ang naghost ng event. Super memorable ng gabing ito. Bitin. Ang sarap humirit ng isa pa.
5 SAMANTHA FAITH MANUEL CASTRO
May bago akong pamangkin. Si Sam. Ang cute cute niya. Kaya lang nasa states siya. Kinuha akong ninong ng ate ko. Malamang magkikita kami ng harapan kapag dalaga na siya. Tatay ko pumunta na rin ng States ngayong taon para makaabot sa binyag ni Sam. Ngayon, tagapag-alaga siya doon. I'm sure hindi siya nahihirapan alagaan si Sam kasi nakakatuwa siya kahit mukhang makulit. Maeenjoy niya si Sam hangga't baby pa. Pag laki niya, baka supladita rin yan, mana sa nanay niya. Hehehe
4 TAGAYTAY WITH QA FRIENDS
Mag-iisang taon na rin na wala na ako sa Yell Adworks o HIBU. Silang dalawa, si Coco at Ica, ang pinaka-close ko, pati na rin si AK na hindi namin nakasama. Lagi kami kumakain sa labas, namamasyal, at nagpipictorial. Bago man lang sumapit ang Bagong Taon, muli kaming nagkita, nagkwentuhan, at nagtawanan. Hindi ako magsasawa sa mga kaibigan kong ito. Sana sila rin.
3 28TH BIRTHDAY AT SPIRAL (SOFITEL)
Kala mo mayaman, noh? (Hehehe). Buti na lang may VIP card si Tina (naka-stripes) na entitled na 50% off sa buffet bilang madalas sila doon. Tapos, nilibre ako ni Jozelle (naka-black tank top) ng kalahati ng babayaran ng bawat isa. Ang sarap magkaroon ng kaibigan. (Hahaha) So mga 700-800 na lang binayaran ko. Sa mga panahong ito, wala akong trabaho. Nag-eenjoy lang ako sa buhay. Wala nga akong balak mag-celebrate ng birthday. Nagkataon lang ang lahat ng ito. Kasama ko ang mga organizers ng high school reunion namin. Since successful, ito ang victory party namin slash birthday celebration ko na rin.
2 TRIP TO MALAYSIA WITH DUDEZ
First trip ko abroad, birthday celebration ni Jozelle. Masaya mag-travel. Nakakapagod pero masaya. Kahit magastos, kahit may kanya-kanyang trip ang bawat isa. Masaya pa rin. Main event ang buffet dinner namin sa Mandarin Hotel. Doon nagpakain ang mommy ni Jozelle. Bitin ang lakad. Marami kaming hindi napuntahan. Pero okay na ako sa Petronas Tower. Ang sarap umulit lalo na kung marami lang akong pera. Masarap puntahan lahat, kaya lang kapos sa oras at syempre magastos. Pero worth it, lalo na kung kasama mo ang barkada mo.
1 FITTER LIFESTYLE
Nag-start na ako mag-gym. Kasama ko ang brokenhearted kong friend na si Kris na madalas lang na tumambay sa gym at hindi naman nag-eexercise. Masarap mag-work out. Sayang lang kasi kulang ako sa oras. Next year sana mas regular na sana ang paggygym ko. Natutuwa ako kasi medyo nadadaya ko na 'yung mga picture ko. Naaanggulo ko na yung mga muscles and cuts ko kung meron man. (Hahaha) Target ko sana na maging fit ako by 30. Para kahit trenta na 'ko, young looking pa rin. Feeling sexy and hot na rin kahit papaano. Hopefully, ma-maintain at ma-improve ko pa ito sa susunod na taon.